Join MultiplyOpen a Free ShopSign InHelp
MultiplyLogo
SEARCH

Enjoying life with you.. Ü

mga pangyayari sa buhay at mga saloobin

Blog EntryOct 3, '08 9:07 AM
for everyone
hmm... kakaiba to, naisipan kong magblog bago maging sobrang busy dahil malapit na ang finals week.. haha. kanina pala oral exams namin sa french11, hmp... 13.5/15 lang kami,... kasi naman mali yung pagkakatranslate nung partner ko dun sa isang line sa conversation namin... ang pagkakatranslate n'ya kasi,  "J'ai lavée la maison."... which means "I washed the house" eh ang tamang translation ay ganito dapat: J'ai nettoyée la maison." which means "I cleaned the house".... So ayun... di tuloy kami perfect at pinagtawanan pa kami nung prof namin...huhu pero ok lang din naman, di naman macrecredit tong subject na to, dami ko ng elective, trip ko lang talaga mag-aral ng iba-ibang language. masaya rin naman pati ang french... at baka balang araw eh makarating ako ng france, at least marunong ako magfrench! haha

...

anyway, kamusta naman next week.. araw-araw may exam ako. as in tuesday-wednesday-thursday-friday! grabe... tapos isa lang sa mga subject ko ngayon ang may exemption sa finals kaya 4 yung finals ko... grabe yung envisci namin, yung project na ginawa namin, tarp na 3x4 about sa isang province.. Quezon yung sa kin... wala lang.. pag napadaan kayo sa may villadolid, sa envisci, tingnan nyo. :) sayang naman kasi yung p420 na ginastos ng nanay ko sa pagpapaprint nun.. hehe...

...

there are still a lot of things i don't understand... or maybe, i just really don't want to understand them... i feel so much pressure,,,  but i don't want to hurry... sometimes i like it this way but i also feel like there's something missing... oh, i just want to be happy like everybody........

...

nako sana matapos na ang sem na to... excited na ko magbakasyon! wah!
sana makapagbakasyon pa rin ako... di ako halos nakaipon this sem... huhuhu gusto kong magbeach! gusto kong pumunta sa pagudpud! o kaya sa majayjay falls na lang ulit pwede rin.. maganda naman dun e,. malinis pa... hay...

Blog EntryAug 6, '08 11:10 AM
for everyone
note: pasensya sa mga ayaw sa mga conio

wala lang. bagong pauso namin.
sabi kasi nung isa kong prof, dapat daw ay masanay ng gumamit ng wikang Ingles sa ating pang-araw-araw na buhay... kaya naman, kapag papara sa dyip, sabihin po lamang,
MANONG, HALT!!!
at pag di pumreno si manong, may mabisang paraan dyan.. isigaw po lamang ang,
STOP!!!

ayan., subukan n'yo minsan. nagawa na namin ito. :p

Blog EntryJul 12, '08 9:03 AM
for everyone
since nung nanakaw yung pinakamamahal kong celphone parang lagi na lang akong malungkot... hay... nasaan man sya ngayon sana kung sino man yung ****** ***** hayop na nagnakaw sa kanya, sana inaalagaan sya... grabe, isang sem lang sa kin yung celphone na yun... 7 months, at nadala ko pa yun sa US... at ang pinambili ko dun ay yung sweldo ko sa pagiging SA ni DocM... hay... so sad... 

...

anyway, pansin ko na parang naging boring na buhay ko,,, wala na kong ginagawa kundi magnet lang, magluto at mag-aral,.. pati choir, sunday na lang ako umaattend, sa mass lang. di na rin ako nakakaattend ng praktis kasi ayaw na ko payagan ni nanay...

...

wah! super boring life....
ilang bagay na lang ang nagpapasaya sa kin, isa na ang french 11 ko ngayon, ahaha... kahit di na yun makecredit dahil andami ko ng elective, ok lang... masaya naman syang subject eh...

...

sana matapos na ang sem na to...
sana sembreak na.............

Blog EntryMay 6, '08 4:54 AM
for everyone
tagged by rayne... huhu
1. When I was a kid my mother tells me that softdrinks cause kids to become hard-headed so she made us (me and my brothers) add water to softdrinks... thanks to her i didn't become a fan of coke/pepsi when i grew up...
2. I was a CAT officer back in highschool, i'm a captain, golf coy cmdr
3. I'm a member of The Singing Christians, a choir based in Mandaluyong and sings at the EDSA Shrine and San Felipe Parish. :p
4. I love Japanese FOOD.. haha
5. I used to write songs when I was in highschool.. but now, I think I lost the talent... :(
6. I don't watch TV! haha... I just download all the anime and series I want...
7. I love to travel... haha... especially by boat... (within the Philippines only!) that's why I really loved my job as an SA... haha
8. I have a dog whom we call camel because he has a big hump in his back. :p Love you Parker!! woof! woof!
9. I am immune to jetlag.
10. I don't get drunk.. haha... I just acquired this skill last year. :P

I won't tag others. :p let them do this if they want to....:)
not following rules..haha

Blog EntryFeb 2, '08 7:33 AM
for everyone
di ko na mapigilan sarili ko,
parang sasabog na ko pag di ko pa sinabi sayo!!
gusto ko na talaga sabihin pero di pa ito ang tamang panahon!
hahaha :)

Blog EntryJan 25, '08 8:23 PM
for everyone
give me a reason to stay

Blog EntryNov 17, '07 11:14 AM
for everyone
hay naku.. antagal ko na tong kinikimkim, ayoko lang ilabas kasi iniisip ko wala akong karapatan. pero di ko na kaya, sobrang naasar na talaga ako. nakakainis lang kasi talaga yung mga taong anlaki ng expectation sayo, nampepressure pa kadalasan. ok lang sana yun e. pero sobrang nainis talaga ko nung may simpleng bagay o pabor lang akong hinihingi sa kanya, wala pa syang nagawa. umasa pa naman ako. yung buhay ko nakasalalay sa kanya at kaya rin naman ako nandito sa kung nasaan ako ngayon ay dahil din naman sa kanya tapos wala talaga, di man lang nya sinubukan tumulong. parang natuwa pa sya sa nangyari sa kin. nakakainis talaga. naging magulo tuloy buhay ko. tipong "nawala ang lahat sa akin" ang drama. ay naku. nakakainis talaga. nakakainis ka!!!

Blog EntryNov 2, '07 2:23 PM
for everyone
yay! salamat sa lahat ng nagtext at nangamusta sa akin!
i'm almost healed.. not yet fully... huhu
sana sa enrollment ok na ko....

salamat sa mga lagi kong kausap sa YM at sa mga active sa conference..haha
salamat sa laging nagpapadala ng gm!
(tinamad na ko maglagay ng names, alam n'yo na kung sino kayo! haha)
salamat sa napagaling kong choirmates! (puro pang-aasar natanggap ko sa inyo ha...)

and sana pala...
sa mga nakakaalam nung nangyari...
please wag n'yo na sabihin sa iba...

napag-usapan kasi namin ni **** na wag masyadong sabihin sa iba ang pangyayari,
baka makatawag pansin pa daw sa nakatataas...
kaya please... just keep it to yourselves ha?
:)

thanks guys!!!
ingat kayo lagi (seriously)!!!

Blog EntryOct 29, '07 11:39 PM
for everyone
I was tagged by the super kulit ever gliezl!!! huhu..

Name ten of life's simple pleasures that you like most, then pick ten people to do the same.

(in no particular order)


1. getting good grades...
2. going out at least once a week.. hehe
3. being with my friends...
4. singing...
5. listening to others, and giving advice...
6. watching the sunrise/sunset..
7. baking cookies/brownies/cakes and give them to friends..haha
8. cooking and inventing new dishes.. :D
9. taking pictures!
10. photoshop stuff... :)

ten peepz: kidow, kuya yugs, kuya gouki, yam, laur, riley, jonas,jerrold,april,arvin

Blog EntryOct 11, '07 10:33 AM
for everyone
wala lang. antagal ko nang hindi nagpopost.. nakakamiss pala... kaya eto...
react na lang muna sa post mga taong naging malaking parte ng sem ko at pasasalamat na rin... at sa mga lugar na narating ko at nais pang marating, eto na ko!!! woohoo!!

...

@jerrold:
"hehe,, lea my friend,, what can i say?? siguro sorry,,, sorry sa pagiging madaldal ko,, haha.. i hope you get what you want,, and all the best!!! i know you can do it... unti unti mo pang basain ang tuyot kong buhay ^^"

wag mo ng uulitin yun!!! anyway, thanks sa lahat ng kasiyahan. sa trinoma , cerealicious, at katipunan adventures. wok dis way! ahaha.. galingan na natin sa lahat ng bagay... x_x thanks sa pagdamay kapag nalulungkot ako.:)

...

@ yam:
"mahirap palang maging 2nd choice???
ang drama ko no??,, pero yun talaga nararamdaman ko eh...
too late na before I realize that there are people who really cares for me...
thanks a lot... sorry maxado ko manhid..."

ayan. naalala ko yung usapan natin nung minsan sa tambayan:
yam: hindi lang naman sya ang lalaki sa mundo, marami pang iba dyan
lea:e ano kung maraming lalaki sa mundo? meron bang tulad nya?
jade: hindi totoo yung destiny, imbento lang yun ng kung sino-sino. binibigyan ka ng opportunity. kung wala kang gagawin, kung palalampasin mo lang yun e di walang mangyayari.

yun lang. ayoko ng dagdagan reaction ko dito..

....

@sep

pasaway ka. wag mo ko gayahin. grabe 'tong sem na ito. pasensya naging busy ako at medyo hindi na tayo nagkakasabay o nagkakausap. namiss ko yung malling adventures natin.. hay.. gudlak sa org mo at sa acads... x_x

...

@mr. perfect

isa ka lamang bang panagip?
para kasing hindi ito totoo..
hindi kapanipaniwalang may daraan sa buhay ko na isang tulad mo

minsan naiisip ko
ano bang nagustuhan mo sa isang tulad ko
nahihiya ako sayo
parang masyado kang perpekto para sa kin
parang anghirap mong abutin
tila magkaiba ang mundo nating dalawa

....

@april:
buddy!! congrats at probationary member ka na. sana magFR ka para cool. hehe:)

....


@niki:
maldita!!! hehe... thanks sa chocolate at pasta... at sa lahat ng usapan...:)

....

@gliezl
itong batang to... gudlak sa mga balak mo sa buhay...hehe.. ampunin mo ko pag nagpunta na kong ek ha. :)

....
@doc M:
sir, tapusin na po natin tong trabahong to at nang makasali na tayo dun sa... alam nyo na yun :)

...

@ian:
thanks sa hitch.:)

...

@mindoro:
miss na kita! see you on oct. 19-20

....

@EK:
i'll see you this sembreak...:)

....

@my WCEL labmates:
roy: thanks sa pizza at pasta
ojo: maririnig ko pa ba ang mahiwagang tunog next sem?
nina: HI NINA!!!! :)
marci: yung kutsara hanapin mo..
chanda: hmm... mamimiss kita!! haha.. mamimiss ko yung paggising sayo every wednesday... :)
198ers this sem: congrats!
198ers next sem: galingan nyo!! gudlaK!!!
sir ty: thanks po sa pagtuturo ng cool console stuff. :)

....

sige na, back to work na ko... still have much digital provide stuff to finish... gudlak sa lahat... :)

Blog EntryAug 30, '07 10:11 AM
for everyone
nagbalik kami sa Mindoro nung linggo, (Agosto 26) upang ipagpatuloy ang aming proyekto...

pagdating namin dun, kumain muna kami ng agahan sa Starcafe (ang aming laging unang kinakainan sa tuwing pumupunta kami doon) at nagplano ng gagawin. sabi pala ni Doc M, simba daw kami. baka daw kasi kaya di kami nagiging matagumpay ay dahil hindi kami nagsisimba. (sila lang yun, hehe, ako nagsimba ako nung sabado) pero gayunpaman, di na rin kami nakasimba. :|

binago na namin ang aming plano, Deped-Canubing-Managpi-Parang na ang gagawin naming network.. at ang mast namin ay halos 20 meters high na.. :D

doon palang sa Deped, nung nakapag-internet kami (wirelessly) gamit ang router namin dun (WDS + AP setting), tuwang-tuwa na kami. nakipag-apir pa sa amin si Doc M.. hehe.. kahit papano, alam namin na gumagana yung infrastructure na nilagay namin.. :)

pagkatapos nun ay nagpunta na kami sa Canubing National Highschool. nag-ayos ng gamit, assemble ng antenna, crimp ng LAN cable, setup ng router... pagkatapos mai-align ang antenna sa Deped at maiayos ang buong setup, sinubukan na namin kung gumagana ba yung link..

ahihi... yesh!!! gumana yung link.. ayos yung tx-rx, at nakapag-internet na rin kami dun sa school na yun..



















pero, yung kasunod na hop, Canubing-Managpi, hindi ayos. naubusan na kami ng oras sa pagdebug ng link na yun kaya isang link lang ang nagawa namin...

pangalawang araw: (Agosto 27)
bagong plano: Deped-Canubing-Panaligan-Managpi-Parang
di kami sigurado sa planong ito, maaaring hindi na maganda yung connection sa Parang kasi sobrang dami na ng hop.
sinubukan na lang muna namin na maiayos ang Canubing-Panaligan link...  naiwan si Jerome sa Canubing, ako sa Panaligan tapos nagpunta na sa Doc M sa Managpi para masubukan namin kung ayos pa ba yung Panaligan-Managpi link. aba... walang gumana sa dalawang hop! :(

umulan pa nung hapon kaya di kami agad nakapagtrabaho... tinanggal na lang namin yung mga router at antenna,, at nalaman namin ang dahilan kung bakit di gumagana yung mga link! putol na pala yung mga SMA to N cable na ginagamit namin... kaya talagang walang mangyayari kahit gano kami katagal na nag-iisip kung bakit walang connection. hindi pala sa software ang problema kundi sa hardware.

hay... ayun... wala na ko makwento, inaantok na ko...

anyway... may nakita si Rowie sa www.upd.edu.ph na article tungkol sa project namin..


Bridging the Digital Divide through Wireless Connection

(note: I omitted the first part because it's about Doc R's project, not ours)

How it all started

Prof. Joel Marciano, Ph.D., who is also from EEE and the program leader, related that the idea of rural connectivity was initially pushed by Mr. Diosdado Banatao, one of the most successful Filipino engineers in Silicon Valley, who sponsors the Banatao Fellows to Berkeley.   

He remembered Banatao telling him, “You should try to look at the rural connectivity problem and see what you can do about it.”  That was in 2004.

In 2006,  Ramos did his post doctoral studies in Berkeley.  Again, Banatao brought up the subject on rural connectivity. Since it was Ramos’ field of study, together with Marciano and Prof. Josephine Dionisio of the Department of Sociology- Third World Center, they submitted a UP Open Grant proposal entitled, “Digital Provide:  Bridging Rural Communities through Emerging, Disruptive and Sustaining Information Technologies and Social Infrastructure,” to the Office of the Vice Chancellor for Research and Development (OVCRD).  The proposal was approved for implementation.  It has three components: two are technical in nature, headed by Marciano and Ramos, respectively; and a social study component handled by Dionisio.  Marciano was the overall program leader .

At the same time,  Ramos and Marciano approached GILAS, which was a logical move, since they shared similar objectives.  Through the invitation of Dr. Paco Sandejas of Narra Venture Capital, Marciano became part of the Technical sub-committee of GILAS and this was one of the first steps in formalizing the linkage between UP EEE and GILAS.

Bridging the Digital Divide


Dr. Marciano checks the installation on the rooftop of
Panaligan National High School in Oriental Mindoro.

Under the OVCRD grant, the group started work in November 2006.  Tuguegarao in Cagayan and Oriental Mindoro are already benefitting from UPD's Digital Provide project. Ramos led the deployment in Tuguegarao while Marciano headed the deployment team for Oriental Mindoro, which is composed of Jerome Ortega (undegraduate student, BSECE), Eleanore Constantino (undergraduate student, BSECE) and Ocampo.

The rest of the deployment in Batangas, Batanes, and the northern part of Zambales were funded by GILAS and/or the local governments, while UP EEE provided the essential technical know-how, through Ramos.
 
According to Marciano, Internet subscribers only account for five to six percent of the population.  In October 2006, GILAS celebrated the connection to the Internet of its 1,000th school.  But most of these schools have wired connection, near areas with telephone companies (telcos).  In the absence of telcos in far-flung areas, where GILAS has no technical know how to provide internet service, EEE comes in. 

He emphasized that rural connectivity is a problem that can be solved using current technology.  “The idea is we don’t need to invent a new system.  It is readily available, and the mass production of this equipment keeps driving the cost down in such a way that they are made affordable.  What we only need to do is take this equipment off the shelf and integrate them into a package solution and then deploy it.”

“It’s an interim measure.  One idea is, we will set up the infrastructure and the people will get to use it. Eventually, the telcos will come in if we show them that this technology is cost-effective and profitable in the long run…it’s more of a long-termstrategic relationship also with the telco,” he added.

Future Prospects

Access to information and services through the Internet empowers communities and spurs them toward enhanced productivity and this is one reason why there is urgency to provide Internet service to a majority of the Filipinos. 

Due to its limited funding, Marciano said his UP EEE group will not be able to wire the whole Philippines.  But at least, the technology has been demonstrated.  It is cost-effective and it can be done.  He hopes that what they did in Batangas, Cagayan, Oriental Mindoro, Zambales and Batanes be replicated in other parts of the country. “You want the technology you’re studying, all these things you have studied to somehow become useful and benefit the Filipinos,” he said.

eto yung link kung gusto n'yo mabasa yung buong article: http://www.upd.edu.ph/%7Eupdinfo/index4.html


//pics to follow.. tinatamad pa ko mag-upload at hindi ko pa nakukuha kay Doc mga picture namin..

goodnight! :)
--Ms. Lea

Blog EntryJul 30, '07 10:27 AM
for everyone
hi im aLex!

sali ka sa Sali Ako! ^___^

what's this all about?

wala lang =)  think of it as a social experiment where strangers become friends =)


visit us at :   http://SALIAKO.MULTIPLY.com

or contact us through YM

ym id:  sali_ka  or  whos_alex




wanna join but dont know how? its very easy!

you just have to:

1.) send a pic with "sali ako" to this email addy : SALI_KA@YAHOO.COM
2,) register sa forums (http://saliako.proboards52.com/)
3.) answer the online questionnaire (link may be found at the LINKS section of our multiply site)

its that easy =)


hope you join us! :D


-aLex


Blog EntryJun 9, '07 12:35 PM
for everyone
watched oceans 13 at sm north with randy, arvin and gelo.

we saw a sylar look alike while we were eating at jolibee...
really heart pounding....x_x

parker got home! while we all thought that we'd never see him again, when i got home he was right there in front of our house.. :)
mom can sleep tight again.:)

Blog EntryJun 8, '07 1:42 PM
for everyone


gel font




blended photo + mosaic
(right pic from kuya glenn's site)



grudge font


ayan.. di pa kagandahan yung mga nagawa ko, starter palang naman ako..
depressed lang siguro ako  kaya napagtripan ko photoshop...
nawala kasi yung aso namin,,, pag-uwi ko wala na s'ya...
walang nakakaalam kung saan s'ya napunta.. baka nakalabas ng gate...
wawa naman s'ya... kakaiba pa naman itsura nun...
baka napagkamalang monster ng mga bata tapos na-stone to death...
 si parker... half dalmatian, half askal.. kuba, twisted yung isang paa...  pero cute..
hay... 7years 4 months na s'ya ngayon... feb. 8, 2000 nung pinanganak sya..

.....

may nangyari pa sa 'king traumatic kahapon... kaso di ko kayang ikwento... parang ganito na lang... naharass ako sa kalye... ang masama nito, hindi physically kundi mentally...
di ko makalimutan yung nangyari... ayaw mawala sa isip ko...
parang gusto ko na lang umiyak pero di ko magawa...
baka imupog ko na lang ulo sa pader para ma-get over to...
hay... gusto kong i-kwento pero di ko masabi.. ewan.. sige babay..

Blog EntryMay 8, '07 11:27 AM
for everyone

resolutions:
-love thyself before others
-relearn discipline, sacrifice and temperance
-no junkfood and softdrinks again (ahuhu..)
-be more aggresive. have initiative.

...

the conversation that changed my life...

LeA (5/2/2007 11:43:00 PM): parang angsaya mo ngayon ah?
LeA (5/2/2007 11:43:01 PM): hehe
SIR (5/2/2007 11:43:31 PM): happiness is a choice
LeA (5/2/2007 11:43:50 PM): nah...
LeA (5/2/2007 11:43:57 PM): it can't be forced
SIR (5/2/2007 11:44:56 PM): hahaha well it's really up to you. what i mean is that even if you are faced with trying circumstances you can always rise above them
LeA (5/2/2007 11:45:26 PM): hay.. i wish i could...
LeA (5/2/2007 11:45:33 PM): lam mo naisip kita kanina
SIR (5/2/2007 11:47:44 PM): Yes you can. Mind over matter. Talaga? bakit mo naman ako naisip?
LeA (5/2/2007 11:48:21 PM): right.
LeA (5/2/2007 11:48:33 PM): wala lang, kelangan ba ng dahilan para maisip ang isang tao?

...

LeA (5/3/2007 12:17:00 AM): wala namang masamang sabihin ang katotohanan ah
SIR (5/3/2007 12:17:13 AM): hahaha
LeA (5/3/2007 12:17:22 AM): tsaka tapos na yun.. sobrang matagal na panahon na yun.. one year ago na
SIR (5/3/2007 12:17:29 AM): well ang unsolicited advice ko sa yo ay
SIR (5/3/2007 12:17:36 AM): try to improve yourself more
SIR (5/3/2007 12:17:47 AM): immerse yourself in activities where you will grow more
SIR (5/3/2007 12:17:51 AM): and you will see
SIR (5/3/2007 12:18:05 AM): not just ***** but a lot of boys will come running to you
LeA (5/3/2007 12:18:21 AM): haha
SIR (5/3/2007 12:18:29 AM): kase makikita nila na di ka lang maganda (naks!)
SIR (5/3/2007 12:18:34 AM): talented ka pa
SIR (5/3/2007 12:18:36 AM): interesting
SIR (5/3/2007 12:18:40 AM): etc
LeA (5/3/2007 12:18:50 AM): haha antok lang yan!
LeA (5/3/2007 12:18:51 AM):
haha

...

SIR (5/3/2007 12:30:09 AM): ah sabi mo wala naman masamang sabihin ang katotohanan eh
SIR (5/3/2007 12:30:17 AM): kase kahit anong depensa mo
SIR (5/3/2007 12:30:23 AM): kung iba naman nakikita ng tao
SIR (5/3/2007 12:30:27 AM): what's the point?
LeA (5/3/2007 12:30:49 AM): hay... onga...
LeA (5/3/2007 12:31:00 AM): anghirap.

...

thanks to you.
thanks for making me realize the importance of self-worth.
i'm going to be better person.
i promise.:p


Blog EntryMay 2, '07 12:08 PM
for everyone

kaninang umaga, parang gusto kong umiyak.
hindi dahil malungkot ako.
hindi dahil mag-isa ako.
kundi dahil naisip ko,
bakit kelangan ng tao magmahal?
o bakit ba nagmamahal ang tao?
bakit pag nagmahal ka, masasaktan ka rin?
at bakit kung sino pa yung mahal natin,
s'ya pa yung nasasaktan natin?
e di mas mabuti pang wag na lang tayo magmahal.
sa ganon, lahat tayo masaya.
walang nagkakasakitan.
hindi ba't mas mabuting maging magkakaibigan na lang?
para walang expectations.
at walang commitment.

...


"friends can be lovers but lovers can't be friends"
for sometime, di ako naniwala sa famous line na yan,
pero lately narealize ko na totoo nga.
it's like killing yourself.
gusto mong maging friends kayo pero mahihirapan ka talaga.
dahil tuwing nakikita mo s'ya,
you remember everything.
the good memories and the bad.
and the LOVE...

...

sabi ko nga kay sep,
"you don't have to care for people who don't care for you."
sana kaya kong gawin yun.
sana nga wala na lang akong pakealam.

...

kamusta na kaya s'ya?
masaya kaya s'ya?
one year na sila this may...
i guess the decision he made was right.
i hope.
i wish for his happiness.
i love you my bestfriend.


Blog EntryApr 15, '07 12:55 PM
for everyone
hmm...
today, nabigyan ako ng solo/duet part sa isang song.
"wherever you go" yung title...
hmm...
nakapagtataka... bakit naman kaya sa dami ng kanta
eh yun pang may ganung title yung natoka sa 'kin...
anyway, maganda naman yung song kaya ok na rin.. hehe

....

wah!!!
tapos na bakasyon ko...
pasukan na ulit...
ahuhu...
pero sabagay, mas may saysay naman buhay ko pag may class
kesa pag walang pasok...
wala naman akong ibang nagawa ngayong break kundi,
nagmarathon (prisonbreak, trigun, full metal panic, gokusen),
nanood ng mga pelikula (fma, deathnote 2, let the love begin:P,
d anothers, the da vinci code, final destination 2...
at marami pang iba hehe)
kumanta sa salubong <- traumatic experience
kasi habang kumakanta kami ng hallelujah sa taas ng edsa shrine,
may fireworks tapos nalalaglag yung mga abo sa 'min,
di naman mapagpag kasi nagpeperform kami
eh bawal ang extra movements habang kumakanta
tapos puro usok na yung nalalanghap namin... grabe talaga...

...

next weekend pa ko makakapagbakasyon,
punta kaming mindoro para magsetup ng internet connection sa ilang paaralan dun.
parte ito ng GILAS, tulad nung sa ginawa ng circuit sa quezon city schools dati,
ang difference lang eh wireless yung setup kaya baka mas mahirap.. gudlak sa 'min
pero pagkatapos naman nung trabaho,
punta daw kaming beach, farm, ilog, andaming suggestion ni doc.
kulang nga ang dalawang araw, kaso may pasok kaya kelangan din bumalik agad sa maynila.
hay... bitin..

...

buti na lang may outing uli choir namin sa nasugbu.
dun din kami magsstay sa beach house na pinuntahan namin last year
pero ayos na rin, ok naman dun.
medyo maraming dikya nga lang dun pero di naman ako magsswimming kaya di ako mavivictim.hehehe

...

ang weird kanina, nasa jeep kami, inaasar nila ko sa isang ka-choir namin.
nakita daw nila kaming nagHHWHM (holding hands while holy mass)
ang kulit. pero di ko naman maalala na ginawa ko/namin yun.
pinipilit nilang kami na daw.
no choice na tuloy ako ngayon kundi dumistansya na lang muna sa kanya.
iniiwasan ko munang malink sa kahit sino sa kanila ngayon.
tsaka kaibigan lang talaga tingin ko sa kanya.
ano ba yun. yung parang "x" ko pa kamo yung nang-aasar sa 'min.
fishing lang siguro.
sinabihan pa ko ng "ang galing mo kanina ha!" (yung sa solo part)
tapos binenta ako afterwards. labo.
naubusan na ko ng inspirasyon sa choir, tinatamad na ko.
si kuya ronan (musical director namin) na lang ang nagpapastay sa 'kin sa choir.
masyado ko s'yang idol, napakagaling kasi n'yang umawit
tsaka nararamdaman kong may tiwala s'ya sa kakayanan ko kaya di ako makaalis..

...

ano kayang bagong pwedeng gawin ko sa buhay ko..?
heto nanaman kasi eh.
parang nauulit lang yung mga nakalipas na.
gusto ko ng umusad ang buhay ko pero heto pa rin ako.

+_+
...

wherever you go
i shall come
wherever you live
so shall i live
your people will be my people
and your god will be my god too
wherever you die
i shall die
and there be i buried beside you
we will be together forever
and our love will be the gift of our lives
we will be together forever
and our love will be the gift of our lives
i love you

masaya ko pang kinukwento kanina sa kuya kong alumnus ng up na di na manual ang registration,
tuwang-tuwa ako kasi wala ng pila-pila.
ayos, may net sa bahay kaya di ko na kelangan pumuntang eee.
8am palang online na ko para maenlist ko yung mga kelangan kong subjects.
chineck ko yung site kung pwede na bang makapag-enlist.
ayaw.
connection timed out.
subok uli after a while.
ayaw pa rin.
nakipagchat na lang muna, nagtanong-tanong sa mga tao kung talaga bang online na ang enlistment,
nakakapanibago kasi eh.
parang imposible. hehe
nakaannounce naman sa yahoogroup namin na ganon na nga ang magiging sistema kaya naniwala na rin ako.
medyo nagpasensya na lang muna ako,
inisip ko baka 9am pa magiging open yung site..
9am.
wala pa rin.
10am.
still, down pa rin ang server.
rants na sa crs ang status ng mga tao sa ym.
natulog na lang muna ako.
alam ko na mangyayari eh.
for sure, hapon pa magtitino yung crs2 site.(bulok!)
gayunpaman, di ako halos nakatulog, andaming nagbbuzz sa kin,
pwede na raw makaenlist.
o di sige.
subok uli.
nakakalogin, nachecheck na grades, nakakapagcancel na ng class...
pero di naman nakakakuha ng subject.(bulok talaga!)
nanood na lang ako ng deathnote (movie).
kumain ng macaroni omelet.
naglaro ng virtual villagers.

....

4pm sumuko na ko.
nakakainis na kasi.
nakakaenlist na ng subject pero yung kukunin ko,
ang nakalagay sa action eh not applicable, hindi enlist.
kainis.
inisip ko punta na lang akong up bukas,
magtatanong kung bakit di ko makuha yung subject.

....

naglaba na lang ako.
nilabhan ko yung bag na binili ko kahapon.
tapos pinakain ko sila madonna, parker, tsubaboy at janggeum. (mga aso namin)

....

nanood na lang ako ng bleach.
pero nagpm sa kin si lester.
e di tinanong ko kung matino na ba yung crs.
sabi ko buzz na lang nya ko pag ok na.

....

6pm
nagbuzz si les.
i closed all open applications, stopped my torrent downloads,
stopped watching bleach.
opened a mozilla browser. went to the crs2 site. login. add class. search class.
chose "enlist" option....
2 minutes bago nagload yung page.
yesh!!! nakakuha na rin ako ng subject sa wakas... ahuhu...
grabe, nakakaiyak talaga. serious,.
kala ko di na ko makakapag summer eh.

....

gudlak bukas.
gudlak sa petitioned subjects.
gudlak sa mga wala pang nakukuhang subject.
gudlak sa 'ting lahat!!!!!!


Blog EntryMar 31, '07 11:50 AM
for everyone
we are parts of a puzzle
unfortunately, we are not adjacent pieces.


Blog EntryMar 28, '07 11:43 AM
for everyone
nakakatuwa yung crs, iba na yung format ngayon, wala ng priorities kaya feeling ko bumaba yung chances ko na makuha yung subjects na gusto ko. buti na lang halos puro eee na lang subject ko next sem, pan pil 17 lang yung subject na inenlist ko na walang letter e. hehe

.....

tapos na yung round one ng summer enlistment and luckily i got enlisted to the two pe classes i enlisted.hehe samantalang yung iba walang nakuha..hehe.. philippine games at band and ball yung naenlist ko...hehe pero syempre isa lang kukunin ko... wahaha


.....

antagal ko na sa up pero namamangha pa rin ako sa mga kakaibang pe dito..
.


Aerobic Dance, Archery, Band and Ball, Bowling – Duck Pin, Camping, Futsal, Philippine Folk Dance, Philippine Games, Pilates, Scuba Diving, Scuba Diving, Basic Social Dance, Stretching, Tap Dance, Ultimate Frisbee, Walking for Fitness, Weight Training
--ilan lamang ito sa mga kakaibang pe sa up...

ang mga natetake ko palang na pe ay chess, duckpin bowling at weight training... wala lang... hahaha

.....

**just took a break from this very tiring sem, hopefully my sem's over. sana exempted na ko dun sa dalawa ko pang subjects para pwede na magrelax... hahaha.. gusto ko naman magconcentrate sa lab works kasi andami kong nakabinbin na trabaho sa wcel... lagot ke doc... have to finish digiprov stuff... chige..Ü

Pages:12